English-Tagalog Words

Wednesday, October 16, 2024

Kinder Matatag Week 2 Day 5 Quarter 2 Bahay ng Marami’t Masasayang Tinig

Kinder Matatag Week 2 Day 5 Quarter 2 Bahay ng Marami’t Masasayang Tinig Mensahe Maaari akong matuto sa iba’t ibang lugar sa aking komunidad. Nariyan ang mga paaralan, daycare centers at mga silid- aklatan. Mayroong mga tao sa aking paaralan na mayroong iba’t ibang tungkulin o gampanin. Mahalaga ang bawat miyembro ng paaralan. Para matuto sa paaralan, kailangang marunong makipag- sundo sa mga kaklase, guro at iba pa. Mahalaga na pumapasok sa paaralan ang mga bata. Katanungan Ano ang mga lugar sa ating komunidad kung saan maaari kayong matuto? Sino-sino ang maaaring magtungo sa mga lugar na ito upang matuto? Ano-ano ang mga maaari ninyong matagpuan sa mga lugar na ito? Ano-ano ang maaaring gawin ng mga bata sa mga lugar na ito? Sino-sino ang maaari ninyong makilala sa ating paaralan? Ano ang kanilang trabaho o tungkulin sa ating paaralan? Paano nila kayo matutulungan? Ano ang kahalagahan ng gampanin ng bawat miyembro ng paaralan? Ano-ano ang maaaring gawin upang magkasundo-sundo ang mga bata sa silid- aralan? Bakit kailangang humanap ng paraan upang magkasundo- sundo ang mga bata? Ano-ano ang mga natututunan ng mga bata sa paaralan at bakit mahalagang pumasok at mag-aral? C. Mga Kasanayang Pampagkatuto ● Follow rules and regulations in going to different places ● Demonstrate proper ways of caring and protecting one’s community ● Recognize that sounding off letters form words ● Identify familiar sounds in the environment ● Describe the different places and persons belonging in one’s community ● Classify common objects in the environment according to colors and shapes ● Demonstrate proper behavior in various situations and places in the community. D. Mga Layunin (Mensahe) ● Mabatid ng bata na mayroong iba’t ibang lugar ng pagkatuto. (mga paaralan, daycare centers at mga silid-aklatan) ● Malaman na mayroong ring iba’t ibang lugar sa loob ng paaralan kung saan maari silang matuto at maglaro. ● Makilala ang mga tao sa paaralan na mayroong iba’t ibang tungkulin o gampanin. ● Mabatid ng bata ang kahalagahan ng pagpasok sa paaralan. Letter Mm Ss Aa Ii Kuwento: Bahay ng Marami’t Masasayang Tinig Sinulat at iginuhit ni Ricardo Uzon Guhit ni Kora Dandan- Albano (Adarna, 2022)

No comments:

Videos

Kinder Matatag Week 9 Day 4 Quarter 2 Si Jepoy Dyip at ang Siga ng Bayan ni Jomike Tejido

Kinder Matatag Week 9 Day 4 Quarter 2 Si Jepoy Dyip at ang Siga ng Bayan ni Jomike Tejido Kinder Matatag Week 9 Day 4 Quarter 2 Si Jepoy Dy...