English-Tagalog Words

Tuesday, November 19, 2024

GMRC 4 Week 2 Day 1-4

GMRC 4 Week 2 Day 1-4 I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Natututuhan ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa pagtitipid at pag-iimpok para makatulong sa kapuwa. B. Mga Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mga mag-aaral ang mga paraan ng pagtitipid at pag-iimpok na nakalaan para sa sarili at kapuwa bilang tanda ng pagiging matipid. C. Mga Kasanayan at Layuning Pampagkatuto Nakapagsasanay sa pagiging matipid sa pamamagitan ng pagtatabi ng mga bahagi ng baong pera (allowance) o gamit na ayon sa kakayahan na maaaring makatulong sa sarili o kapuwa sa panahon ng pangangailangan. 1. Naipahahayag ang ugnayan ng sariling pagtitipid at pag-iimpok sa pagtulong sa kapuwa. 2. Naipaliliwanag na ang pagtitipid at pag-iimpok para makatulong sa kapuwa ay mahalagang disiplinang pansarili na dapat linangin upang matugunan ang pangangailangan ng sarili at kapuwa sa takdang panahon. 3. Nailalapat ang mga paraan ng pagtitipid at pag-iimpok na nakalaan para sa sarili at kapuwa. D. Nilalaman Iba’t ibang paraan ng pagtitipid at pag-iimpok na nakatuon sa pagtulong sa kapuwa. E. Lilinanging Pagpapahalaga Matipid / Thrifty F. Integrasyon Kaalaman sa pananalapi o Financial Literacy

No comments:

Videos

READING AND LITERACY 1 Lesson 2 Quarter 3 Region V

READING AND LITERACY 1 Lesson 2 Quarter 3 Region V 👉You can shop here https://ift.tt/wXqxEYD 👉PM for editable PPTs https://ift.tt/I4jYOS8...