English-Tagalog Words

Tuesday, November 12, 2024

Kinder Matatag Week 6 Day 4 Quarter 2 FilemonMamon Akda ni Christine Bellen,

Kinder Matatag Week 6 Day 4 Quarter 2 FilemonMamon Akda ni Christine Bellen, Kinder Matatag Week 6 Day 2 Quarter 2 FilemonMamon Akda ni Christine Bellen A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) The learners understand the value of discipline, honesty, respect, friendship, and care and concern. B. Pamantayang Pagganap (Performance Standard) The learners demonstrate proper discipline, honesty, respect, friendship, and care towards other people. C. Mga Kasanayang Pagkatuto (Learning Competencies) ● Follow rules and regulations in going to different places ● Demonstrate proper ways of caring and protecting one’s community ● Identify familiar sounds in the environment ● Describe the different places and persons belonging in one’s community ● Recognize different modes of transportation on land, water, and air used in the community ● Identify the positions (in, on, under, top, and bottom) and directions (left and right, front and back) of object in one’s environment ● Demonstrate proper behavior in various situations and places in the community D. Mga Layunin (Mensahe) ● Nalalaman ng bata na mayroong mga lugar siyang sa kaniyang komunidad upang maglaro, magsaya, at maglibang. ● Natutukoy ng bata kung sino ang mga kawani na tumitiyak na ang paligid ng lugar ay maayos at malinis. ● Natututuhan ng bata kung ano-anong aktibidad ang puwede niyang gawin at matutunan sa mga lugar at mga establisyimento sa kanyang komunidad. At mga puwede niyang makita sa iba’t ibang lugar sa kaniyang komunidad. E. Nilalaman/Paksa (Content) May mga lugar at establisyamentong maaaring puntahan ang pamilya upang magsaya at maglibang. Mga Mensahe Nasasabi ang mga halimbawa ng mga aktibidad sa paglilibang ay pamamasyal, paglalakad, paglangoy, pagmumuni-muni, pagbabasa, paglalaro, panonood ng sine, pagsasayaw at marami pang iba. Nababanggit na ang mga paglilibang ay ginagawa sa ibat-ibang lugar sa komunidad. Kasama sa lista ang parke, plaza, mall, zoo, museo, sa tabing ilog at tabing dagat, “hiking at walking” trails, mga lugar na may magagandang tanawin na maaaring magpiknik, pampublikong aklatan, sentro ng palakasan at palaruan. Naibabahagi na may mga taong nagtatraho sa mga lugar na ito na maari nating mapagtanungan o hingan ng tulong kung kailangan. Naiintindihan ang karanasan ng maraming bata sa siyudad na may kakulangan ng espasyo ay sa lansangan na lang nakapaglalaro. Nararanasan na hindi lahat ng paglilibang ay kailangang gumasta at magbayad. May mga lugar na maaring puntahan na walang bayad. Naipapaliwanag ang kahalagahan na may kailangang sundin na mga tuntunin sa lugar na pupuntahan upang mapanatiling ligtas, malinis at kaaya-aya sa iba ring bibisita. Mga Katanungan Nakapunta ka na ba sa parke? Anu-ano ang karaniwang nakikita at ginagawa rito? Sino ang mga kawani na nagpapanatili sa kagandahan at kalinisan ng parke? May mga tuntunin din bang dapat sundin sa parke? Ano ang mga ito? Bakit mahalagang sumunod sa mga tuntunin? Alam mo ba kung ano ang “mall”? Nakapunta ka na ba sa mall? Hindi sa lahat ng lugar ay mayroon nito. Saan ito madalas makita? Ano ang mga nakikita sa mall? Ano ang mga dapat sunding tuntunin sa mall? Ano ang iba’t ibang uri ng trabaho ng mga tao sa mall? Kung walang mall sa lugar ninyo, saan kayo nagpupunta ang pamilya ninyo? Papaano kayo sama- samang naglilibang? Ano ang palaruan? Kailan ka huling pumunta sa palaruan? Nagpunta ka ba pagkatapos ng klase o katapusan na ng linggo? Sino ang kasama mo? Ano ang nilaro mo? Sino-sino pa at ano ang ginagawa ng mga tao sa palaruan? Pinapayagan ba ang lahat ng bata maglaro sa mga swing o mga akyatan? Sino ang mga taong nangangalaga at nagpapanatiling malinis ang palaruan? Alam n’yo ba kung ano ang teatro? Ano ba ng pinapalabas dito? Sino-sino ang mga taong nagtatrabaho at mga kawani sa teatro? Nakapasyal na ba kayo sa zoo? Ano ang mga nakikita doon? Saan ang mga lugar ang may mga zoo? Bakit? Sino-sino ang mga taong nangangalaga sa mga hayop at nagpapanatiling malinis ang zoo?

No comments:

Videos

COT Kinder Week 6 Day 1 Quarter 3 Matatag Classroom Observation Demonstration

COT Kinder Week 6 Day 1 Quarter 3 Matatag Classroom Observation Demonstration COT Kinder Week 6 Day 1 Quarter 3 Matatag Classroom Observati...