English-Tagalog Words
Monday, November 18, 2024
Kinder Matatag Week 7 Day 3 Quarter 2
Kinder Matatag Week 7 Day 3 Quarter 2 A. Pamantayang Pangnilalaman The learners understand the value of discipline, honesty, respect, friendship, and care and concern. B. Pamantayan Pagganap The learners demonstrate proper discipline, honesty, respect, friendship, and care towards other people. C. Mga Kasanayang Pampagkatuto ● Follow rules and regulations in going to different places ● Describe the different places and persons belonging in one’s community ● Demonstrate proper behavior in various situations and places in the community ● Recognize that sounding off letters form words ● Give the correct sequence of events in a local text listened to D. Mga Layunin (Mensahe) ● Nalalaman ng bata ang mga lugar at sangay sa komunidad kung saan makakakuha ng iba’t ibang uri ng serbisyo: -barangay/municipal/city hall -Materials Recovery Facility, junk shop -opisina ng tagatustos ng kuryente, tubig at -opisina ng tagapangasiwa ng trapiko komunikasyon, tanggapan ng koreo -bangko, remittance centers, sanglaan -repair shop -pagupitan, salon, barbershop, spa ● Nakikilala ang iba’t ibang nagtatrabaho sa komunidad na nagbibigay ng serbisyo: -kawani/opisyal ng pamahalaang panlalawigan -basurero, tagawalis ng kalye, hardinero lungsod/bayan/barangay, mga tanod, atbp. -traffic officer -inhinyero, line people, meter reader, -teller sa bangko, klerk tubero, electrician, kartero, kawani ng -barbero, taga pag-ayos ng buhok, tanggapan ng koreo manikurista, masahista -sapatero, mekaniko ● Nauunawaan ang mga binibigay na serbisyo at tulong ng mga kawani sa iba't ibang tanggapan. E. Nilalaman/Paksa May iba’t ibang uri ng trabaho at tanggapan na nagbibigay tulong at serbisyo galing sa komunidad Mga Mensahe May mga lugar sa komunidad kung saan nakakukuha tayo ng serbisyo na may kaugnayan sa pagbibigay ng tulong sa mga tao. (barangay hall, municipal/city hall) May mga tao na nagtatrabaho rito upang makapagbigay ng serbisyo: kawani at opisyal ng pamahalaang panlalawigan/ lungsod/ bayan/ barangay, mga tanod, atbp. May mga lugar sa komunidad kung saan nakakukuha tayo ng serbisyo na may kaugnayan sa kuryente, tubig at komunikasyon (utilities) at pananalapi. (opisina ng tagatustos ng kuryente, tubig at komunikasyon, bangko, sanglaan, remittance center) May mga tao na nagtatrabaho rito upang makapagbigay ng serbisyo: inhinyero, line people, meter reader, electrician, tubero, kartero, kawani ng tanggapan ng koreo, bank teller, klerk sa sanglaan at remittance center, atbp. May mga lugar sa komunidad kung saan nakakukuha tayo ng serbisyo na may kaugnayan sa pagpapanatiling malinis at maayos ng komunidad. (Materials Recovery Facility, junk shop, opisina ng tagapangasiwa ng trapiko) May mga tao na nagtatrabaho rito upang makapagbigay ng serbisyo: tagakolekta ng basura, street sweeper, hardinero, traffic officer, atbp. May mga lugar sa komunidad kung saan nakakukuha tayo ng serbisyo na may kaugnayan sa pagaayos ng sarili. (pagupitan, salon, barbershop, spa) May mga tao na nagtatrabaho rito upang makapagbigay ng serbisyo: barbero, tagagupit ng buhok (hairdresser), manikurista, masahista, atbp. May mga lugar sa komunidad kung saan nakakukuha tayo ng serbisyo na may kaugnayan sa pagkukumpuni ng mga ibat ibang bagay. (paggawaan ng sapatos, repair shop) May mga tao na nagtatrabaho rito upang makapagbigay ng serbisyo: sapatero, mekaniko, repair people, atbp. Mga Katanungan Saang lugar sa komunidad tayo makahihingi ng serbisyo o tulong para sa komunidad? Sino-sino ang mga tao sa komunidad na nagbibigay ng tulong sa mga tao? Saang lugar sa komunidad tayo makahihingi ng serbisyo na may kaugnayan sa mga pangangailangan sa kuryente, tubig, komunikasyon at pananalapi? Sino-sino ang mga tao sa komunidad na nagbibigay ng serbisyong ito? Saang lugar sa komunidad tayo makahihingi ng serbisyo na may kaugnayan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa komunidad? Sino-sino ang mga tao sa komunidad na nagbibigay ng serbisyong ito? Saang lugar sa komunidad tayo makahihingi ng serbisyo na may kaugnayan sa pagaayos ng sarili? Sino-sino ang mga tao sa komunidad na nagbibigay ng serbisyong ito? Saang lugar sa komunidad tayo makahihingi ng serbisyo na may kaugnayan sa pagkukumpuni ng mga iba’t ibang bagay? Sino-sino ang mga tao sa komunidad na nagbibigay ng serbisyong ito?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Videos
Kinder Matatag Week 8 Day 5 Quarter 2
Kinder Matatag Week 8 Day 5 Quarter 2 Kinder Matatag Week 8 Day 5 Quarter 2 A. Pamantayang Pangnilalaman The learners understand the value ...
No comments:
Post a Comment