English-Tagalog Words

Tuesday, November 26, 2024

Kinder Matatag Week 9 Day 3 Quarter 2 A Doctor to the Barrios

Kinder Matatag Week 9 Day 3 Quarter 2 A Doctor to the Barrios Kinder Matatag Week 9 Day 3 Quarter 2 A Doctor to the Barrios A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) The learners understand the value of discipline, honesty, respect, friendship, and care and concern. B. Pamantayan Pagganap (Performance Standard) The learners demonstrate proper discipline, honesty, respect, friendship, and care towards other people. C. Mga Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competencies) ● Recognize sounding off letters form words ● Describe the different places and persons belonging in one’s community ● Recognize different modes of transportation on land, water, and air used in the community ● Appreciate the natural and physical environment in the country ● Apply basic mathematical operations (formal and non-formal applications) using locally available materials ● Create own patterns using local concrete objects ● Demonstrate locomotor and non-locomotor movements ● Create artworks using local and available materials D. Mga Layunin (Mensahe) ● Nalalaman ng bata na may iba’t ibang uri ng tranportasyon na maaring sakyan para makarating sa iba’t ibang lugar. ● Ito ay naaayon sa patutungahang lugar: distansya, anyo ng lupa o tubig na dadaanan, at kung ano (bagay o tao) ang sasakay. ● Natutukoy na ang bisikleta, tricycle, motorsiklo, jeep, van, tren, bus, kotse, at iba pa, ay ang ilang halimbawa ng mga sasakyang pang-lupa. ● Natutukoy na ang bangka, balsa, lantsa, bapor at iba pa, ay ang ilang halimbawa ng mga sasakyang pang-tubig. ● Natutukoy na ang eroplano, helicopter at iba pa, ay ang ilang halimbawa ng mga sasakyang panghimpapawid. ● Nauunawaan na ang iba’t ibang mga uri ng transportasyon ay ginagamit para maghatid ng mga pangagailangan (goods) ng mga tao sa komunidad. Mga Mensahe Mayroong iba’t ibang paraan ng trasportasyon sa ating komunidad. Ang iba’t ibang trasportasyon ay naaayon sa kung ano ang isasakay rito at kung gaano kalayo ang patutunguhan. Pati rin kung ano ang dadaanan. Ang iba’t ibang paraan ng transportasyon ay tumutulong sa ating makarating sa ating paroroonan. Ang sinasakyan nating transportasyon ay naka depende kung saan tayo pupunta, narito ang ilang halimbawa: ● Kung malapit lang maaring mag lakad ● Maari ring sakyan ang mga hayop gaya ng kabayo, kalabaw, at iba pa Ginagamit din ang iba’t ibang uri ng transportasyon sa pag hatid ng mga importanteng serbisyo sa komunidad. Halimbawa, mga doctor, nars, guro, at iba pa. Maaring ihatid ang mga importanteng serbisyo na ito gamit ang panglupa, pang-tubig at maging pang himpapawid na uri ng trasportasyon. Ang iba’t ibang paraan ng trasportasyon ay may kanya kanyang layunin: Truck, jeep at iba pa – naghahatid ng mga prutas, gulay, bigas, gamot, at iba pang mga pangangailangan ng mga tao sa komunidad. Bangka, balsa, eroplano, at iba pa – naghahatid din ng mga parehong pangangailangan. Cargo plane ang tawag sa malalaking eroplano na ang sakay ay mga pangagailangan gaya ng pagkain at gamot lalong lalo na sa panahon ng sakuna, pandemic o giyera. (Sumangguni sa larawan para sa photo chat na nasa apendiks). Mga Katanungan Kasama ang inyong pamilya o magulang anong mga lugar sa komunidad ang pinupuntahan ninyo? Paano kayo pumupunta roon? Ano ang inyong sinasakyan para makarating doon? Anong uri ng transportasyon ito? Anong lugar sa labas ng komunidad ang pinupuntahan ng inyong pamilya? Anong mas malayong lugar ang pinupuntahan ninyo? Anong ginagawa ninyo roon? Ano ang inyong sinasakyan para makarating doon? Anong uri ng transportasyon ito ( panlupa, pandagat, o panghimpapawaid? Kapag may sakit ka o ang iyong kapatid, pumupunta ba kayo sa health center? Meron bang doctor o nars doon? Sa palagay ninyo paano kaya nakapupunta ang doctor o nars sa bawat bayan o komunidad na kelangan nilang puntahan? Lalo na sa mga malalayong lugar at walang klinika, ospital o health center? Ano ang mga lugar sa komunidad ang pinupuntahan ninyo para bumili ng pagkain, gamot, lapis at papel, damit at sapatos, at iba pa? Sa palagay ninyo paano kaya nakakarating ang mga paninda roon sa mga lugar na yon? Work Period 1 (45 minuto) Kuwento: Habal Habal ni Hanibal ni Nomer C. Nuñez at Gawain: Ano’ng Sinakyan Ninyo? Tsart Kuwento: A Doctor to the Barrios Adapted for Kuwento: Si Jepoy Dyip at ang Siga ng Gawain: Photo Chat Biyernes

No comments:

Videos

Kinder Matatag Week 9 Day 3 Quarter 2 A Doctor to the Barrios

Kinder Matatag Week 9 Day 3 Quarter 2 A Doctor to the Barrios Kinder Matatag Week 9 Day 3 Quarter 2 A Doctor to the Barrios A. Pamantayang ...