English-Tagalog Words

Sunday, December 8, 2024

Kinder Week 2 Day 2 Quarter 3 MATATAG Pagsiyasat sa mapa ng Pilipinas

Kinder Week 2 Day 2 Quarter 3 MATATAG Pagsiyasat sa mapa ng Pilipinas Kinder Week 2 Day 2 Quarter 3 MATATAG Pagsiyasat sa mapa ng Pilipinas A. Pamantayang Pangnilalaman The learners demonstrate understanding of one’s identity, rights, and responsibilities as a Filipino citizen. B. Pamantayan Pagganap The learners show appreciation for one’s culture; understand one’s right as a Filipino citizen; and demonstrate a sense of responsibility as a Filipino citizen. C. Mga Kasanayang Pampagkatuto • Participate in dialogues or conversations about familiar events • Show respect and concern for our country D. Mga Layunin (Mensahe) • Ang Pilipinas ay may pamahalaang demokrasya. • Sa pamahalaang demokrasya, ibinoboto ng mga tao ang Pangulo na namumuno sa bansa. • Katulad ng Pangulo, may mga ibinoto ring Senador, Goberndor, Congressman, Mayor at Kapitan upang pamunuan ang lokal na pamahalaan. • Mahalagang pumili ng mga kandidatong may mabubuting katangian na mamumuno sa ating bansa. • Mahalagang sumunod sa batas para sa maayos na bansa. E. Nilalaman/Paksa Mayroong mga namumuno sa ating bansa. Mga Mensahe Ang pangulo ng Pilipinas ay ang pinakamataas na pinuno ng Republika ng Pilipinas, siya rin ang Punong Komandante o Commander-in-Chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Pangalawang Pangulo na maaaring humalili sa Pangulo kapag kailangan. Ang tungkulin ng pangulo ay pamunuan niya ang kaniyang nasasakupan na bansa. Pangalagaan ang kapakanan ng bansa. Tugunan ang bawat hinaing ng mgs mamayang kanyang nasasakupan lalo na ang mga nasalanta ng kalamidad. Ang Kongreso ng Pilipinas ay ang pangunahing tagapagg awa ng batas ng Pilipinas. Isa itong lupong bikameral na binubuo ng mataas na kapulungan, ang Senado, at ang mababang kapulungan, ang Kapulungan ng mga Kinatawan. Binubuo ng 24 na senador ang Senado Binubuo ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng hindi lalagpas sa 250 mambabatas. Ang mga Mahistrado ng Korte Suprema ay hinihirang ng Pangulo. Ang Korte Suprema ay may kapangyarihang: • magpaliwanag at maglapat ng mga batas; • ayusin ang mga hindi pagkakaunawaan na dinadala sa atensyon nito; at • magpasya sa ilang batas o tuntunin na labag sa konstitusyon Kuwento: wala Photo Chat: Gamit ang Photo Chat ipakita ang tsart ng mga sangay ng pamahalaan ng Pilipinas. Magpakita din ng larawan ng Palasyo ng Malacanang at mga naging Pangulo ng Pilipinas at ang halimbawa ng mga gawain ng Pangulo. (Sumangguni sa Appendiks para sa halimbawa at panuto) Pagganyak Ano-ano ang mga pinag-aralan na nating may kaugnay sa salitang tungkulin? Pangganyak na Tanong Alam n’yo ba kung sino ang may pinakamataas na tungkulin sa ating bansa? Kuwento: wala Photo Chat: Gamit ang Photo Chat magpakita ng mga larawan ng Kapulungan ng mga Kinatawan at ng Senado. Talakayin ang gawain ng mga miyembro nito. Maaari ring magpakita ng mga larawan ng mga halimbawa ng mga magagandang nabalangkasn na batas para sa kabataan. (Sumangguni sa Appendiks para sa halimbawa at panuto) Pagganyak Napag-usapan na natin ang ibig sabihin ng bata, sa bahay ba ninyo ay may batas na sinusunod? Ano ang mga batas o tuntunin sa bahay ninyo? Paaralan? Anong mangyayari kung hindi natin ito susundin? Kuwento: wala Panayam: Sa halip na magbasa ng kuwento, anyayahan ang isang abogado na bumisita sa klase upang makapanayam ng mga bata. Kailangang sila ay maanyayahan nang maaga pa upang makumpirma ang kanilang pagdating sa araw na ito. Paalala na ang pag- iimbita ay gagawin ilang linggo bago ang tinakdang araw ng panayam. Gagawa din ng sulat kasama ang simpleng sulat mula sa isang batang kakatawan sa klase upang magsilbing imbitasyon para sa panayam. (Sumangguni sa Apendiks) Pagganyak May kilala ba kayong abogado? Ano ang trabaho niya? Kuwento: Ako’y Isang Mabuting Pilipino (Akda ni Noel Cabangon | Guhit ni Jomike Tejido, Inilathala ng Lampara)

No comments:

Videos

Makabansa 3 Week 3 Day 1-2 Quarter 1

Makabansa 3 Week 3 Day 1-2 Quarter 1 You can also avail EDITABLE PPTs message me @ https://ift.tt/VT3O5wZ https://ift.tt/xCg7D3Y https://if...