Ano ang Pandiwa?
Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita o wika na nagsasaad
ng kilos, aksiyon o galaw ng isang tao, bagay o hayop. Ang mga
salitang pandiwa ang siyang nagbibigay-buhay sa loob ng isang
pangungusap.
Ang mga salitang kilos ay nagbibigay-buhay dahil nagsasaad
ito ng kilos o galaw ng tao, hayop o bagay. Binubuo ito ng
salitang-ugat at mga panlapi.
Halimbawa:
Pandiwa Salitang Ugat Panlapi
nagwalis walis nag (unlapi-nasa unahan ang panlapi)
kumain kain um (gitlapi-nasa gitna ang panlapi)
punasan punas an (hulapi - nasa hulihan ang panlapi)
No comments:
Post a Comment