Filipino 2 Week 1 Quarter 4 Pagpapantig ng mga Mahabang Salita
Ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng mga letra.
Ang mga
letra ay nahahati sa
- limang (5) patinig na a-e-i-o-u,
- dalawampu’t tatlong (23) katinig na b-d-g-h-k-l-m-n-ng-p-r-s-t-w-y
- at ang hiram na mga letra na c-f-j,ň,q, v, x, z.
Ang patinig at katinig kapag pinagsama ay makabubuo ng
pantig.
Ang pantig ay ang pagsasama-sama ng letra.
Halimbawa: m + a = ma; b + a = ba.
Ilan sa mga halimbawa ng iba’t ibang kombinasyon ng pantig:
- anak - letra lamang na patinig ang nasa pantig
- gubat - mga letra na katinig at patinig ang bumubuo rito
- Sisiw-m g a l e t r a n a k a ti n i g , p a ti n i g a t katinig ang bumubuo sa pantig
- parang - mga letra na katinig-patinig-katinig-at katinig ang bumubuo sa pantig.
Ang salita naman ay ang pagsasama-sama ng pantig o mga
pantig.
Halimbawa: ma + ma = mama ba + ka = baka.
Ang pagpapantig ay ang paghahati-hati ng mga salita sa
pantig o mga pantig.
Halimbawa: masayahin = ma-sa-ya-hin.
(Ang masayahin ay may apat (4) na pantig)
Kayarian ng mga Pantig
1. Ang magkasunod na dalawa o higit pang patinig ay hiwalay na
pinapantig.
Halimbawa: uupo = u -u - po paano = pa - a - no
2. Ang magkasunod na katinig sa loob ng isang salita ay
pinaghihiwalay, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang
ikalawa naman ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa: tukso = tuk-so takpan = tak-pan
3. Sa hiram na salita, ang magkasunod na katinig ay parehong
kasama sa kasunod na patinig.
Halimbawa: sobre = so-bre pobre = po-bre.
Nakatutulong ang pagpapantig sa tamang pagbigkas at
pagbaybay ng mga salita. Sa pagpapantig ang magkasunod na
dalawa o higit pang patinig ng salita ay hiwalay na mga pantig,
Halimbawa:
ma-sa-ya 3 pantig
i-sa-yaw 3 pantig
u-bas 2 pantig