English-Tagalog Words

Saturday, May 29, 2021

MTB MLE 2 Week 1 Quarter 4 Pagsulat ng Talaarawan at Liham

MTB MLE 2 Week 1 Quarter 4 Pagsulat ng Talaarawan at Liham 


Matututuhan mo sa araling ito ang...
  1. Paggawa ng liham at talaarawan;
  2. Malaman ang pagkakatulad at pagkakaiba ng liham at talaarawan 
  3. Matukoy ang mga bahagi ng liham at talaarawan 
  4. Makagawa ng liham at talaarawan
Ano ang Liham?

Ang liham ay isang paraan ng pagsulat ng isang mensahe na naglalaman ng mga nais mong iparating o ipaabot sa isang tao. Ang liham pagkakaibigan ay may limang bahagi. Ang mga i

Mga Bahagi ng Liham 

Pag-aralan mo ang mga sumusunod na bahagi ng liham: 

1. Petsa – tinutukoy nito kung kalian naisulat ang liham. 
2. Bating Panimula – sinasabi rito kung para kanino ang liham. 
3. Katawan ng Liham - isinusulat dito ang mensahe o nais ipabatid ng liham. 
4. Bating Pangwakas - isinasaad sa bahaging ito ang huling pagbati ng sumulat o ang relasyon ng taong sumulat sa sinusulatan. 
5. Lagda - dito naman isinusulat ang pangalan ng nagpadala ng liham.

Alituntunin sa paggawa ng liham 

1. Tiyakin na nakasulat sa malaking titik ang unang letra ng unang salita ng bawat pangungusap. 
2. Ipasok ang unang linya ng bawat talata. 
3. Tiyakin na wasto ang paggamit ng mga bantas tulad ng tuldok, kudlit, kuwit at iba pa. 
4. Tiyakin na wasto ang pagbabaybay ang mga salita. 
5. Tiyakin na may sapat espasyo sa bawat gilid ng pinagsusulatan. 

Ano ang Talaarawan?

Ang talaarawan ay pagsusulat ng sariling karanasan ng isang tao. Maaaring tungkol ito sa masaya, malungkot, nakagugulat, at nakatatakot nakaranasan. Nakatutulong ito na maipaalala sa atin ang mga pangyayari sa ating buhay

No comments:

Videos

Makabansa 2 Week 5 day 1 to 4 Quarter 1 Matatag Nakikilala ang mga bumubuo sa kinabibilangang komuni

Makabansa 2 Week 5 day 1 to 4 Quarter 1 Matatag Nakikilala ang mga bumubuo sa kinabibilangang komuni You can also avail EDITABLE PPTs messa...