MTB MLE 2 Week 1 Quarter 4 Pagsulat ng Talaarawan at Liham
Matututuhan mo sa araling ito ang...
- Paggawa ng liham at talaarawan;
- Malaman ang pagkakatulad at pagkakaiba ng liham at talaarawan
- Matukoy ang mga bahagi ng liham at talaarawan
- Makagawa ng liham at talaarawan
Ano ang Liham?
Ang liham ay isang paraan ng pagsulat ng isang mensahe na
naglalaman ng mga nais mong iparating o ipaabot sa isang tao.
Ang liham pagkakaibigan ay may limang bahagi. Ang mga i
Mga Bahagi ng Liham
Pag-aralan mo ang mga sumusunod na bahagi ng liham:
1. Petsa – tinutukoy nito kung kalian naisulat ang liham.
2. Bating Panimula – sinasabi rito kung para kanino ang liham.
3. Katawan ng Liham - isinusulat dito ang mensahe o nais ipabatid
ng liham.
4. Bating Pangwakas - isinasaad sa bahaging ito ang huling pagbati
ng sumulat o ang relasyon ng taong sumulat sa sinusulatan.
5. Lagda - dito naman isinusulat ang pangalan ng nagpadala ng
liham.
Alituntunin sa paggawa ng liham
1. Tiyakin na nakasulat sa malaking titik ang unang letra ng unang
salita ng bawat pangungusap.
2. Ipasok ang unang linya ng bawat talata.
3. Tiyakin na wasto ang paggamit ng mga bantas tulad ng tuldok,
kudlit, kuwit at iba pa.
4. Tiyakin na wasto ang pagbabaybay ang mga salita.
5. Tiyakin na may sapat espasyo sa bawat gilid ng pinagsusulatan.
Ano ang Talaarawan?
Ang talaarawan ay pagsusulat ng sariling karanasan ng isang
tao. Maaaring tungkol ito sa masaya, malungkot, nakagugulat, at
nakatatakot nakaranasan. Nakatutulong ito na maipaalala sa atin
ang mga pangyayari sa ating buhay